BLOOOOGGGGGGG!!!!! Kalabog ng pinto.. Grabe..!! Kakaloka si mama..
Galing lang naman kasi kami sa MCU Hospital. Dinalaw ang officemate, barkada rin.. Hayssstt...Syempre di namalayan ang oras ayun nakauwi ng 12:30pm ng gabi.. Take note madaling araw teh!! Kasi naman mahaba habang lakaran ito at kumain pa kami then nagtext si mama.. Buwisit daw ako! Dito nalang daw ako sa labas kumain.. Hayst.. Ay matulog pala. Syempre takot ko lang.. Eh kakatakot kaya sa labas ng bahay at isa pa babae pa ako (muka lang bakla,ehem.. pero babae po ako). Eh di ayun na nga, nagreply naman ako na on the way na...
On our way, syempre iniisip ko nga..mapapagalitan ako..pero naisip ko rin.. bakit ako papagalitan while.. nagpaalam naman ako. at ang sabi pa ni mama, kumain daw muna ako bago ko umalis. Eh di kumain muna nga ako nun. O e di ayun na nga on our way, sa jeepney may lasing, sabi ko sa kasama ko.. kaloka si kuya katabi pa ni driver mamaya nyan aksidenteng may makalabit dyan maaksidente pa tayo. Kaya etong si ate sa tapat naman nagpa -pssstt kay kuya syempre tawanan kami. Pero balik tayo sa concern talaga, eh di nung nakauwi na kami, katok ako, kala ko ok lang.. start na.. PINAGGAGAGAWA MO..BLAH BLAH BLAH.. di ko na kasi narinig yung iba pang sinabi..but anyways, di na ko nagbihis. diretso tulog na sa sofa, at yung cp ko hinahanap ko pa.. andun pala sa kasama ko.. syempre diko na kinuha.. buwisit kasing pintuan namin.. pag umuulan, nag eexpand kaya ayun hirap isara at buksan. Hayst, imagine 25 yo na ako. Ganyan pa rin. Hayst talaga...
Twenty-five years old na ako, pero ganyan pa rin. Naexperience ko pa nga dyan na dina ko lumalabas ng bahay. Ilang years din yun di ko na mabilang at wala akong ibang kinakausap nun kundi sila mama, papa at 2 kong kapatid. Ni hindi nga ko naaarawan eh, para kong bampira. Naisip ko rin makakapag asawa pa kaya ko ganitong kahigpit ni mama?
Syempre may boyfriend ako! Hello! Hehehe. At mahal na mahal ko yun. Buti nalang wala yung cp kagabi.. Kung hindi ibrebreak ko na naman ang bf ko. Hayst lagi ko nalang inaaway, wala namang kasalanan. Nadadamay lang pag moody ako at masama loob ko. Sabi nga nila wag magdedecide pag masama ang loob.
This morning, ayoko sanang pansinin si mama, kasi naman napahiya nga ako kagabi. But anyway, parang wala lang nangyari. Mamaya lang nyan ok na naman kami.
Pero guys, by this point of time. Di pa rin talaga ko sanay kay mama. Ako naman yung tipong di sumasagot sa magulang, nakikinig talaga ko. At kahit pagalitan ako dina lang ako umiimik, pero wag ka, naiisip ko ring maglayas kagabi. Pero... naisip ko rin. San ako pupunta?! Itutuloy ko nalang tong true to lifestory ko pag napagalitan ako ulit. Hahaha. Wala kasi kong masabihan ng sama ng loob kaya blinog ko nalang.
Thanks pala sa cheeseburger mcdo. In fairness. Masarap sya. Thanks to all!! :)
No comments:
Post a Comment