Hala! Nung isang araw, natsismaks lang naman ni mama na naraid daw dito sa likod namin. Why? Kasi naman balita daw na mga carnap yung mga cars and trucks dito. I have pics dito sa likod and in fairness madami talagang chop-chop parts. Me media daw T3 sina Tulfo daw. Pero hindi ko na post yung mga pics at baka mademanda pa ako. Peace out po!
And ito lang morning, dyan naman sa looban sa likuran din ng apartment, may massacre naman daw. Nanay na buntis at yung 5 year old na anak. May kapitbahay daw na adik, madaling araw kanina nangyari. Magbababoy yung asawa, eh madaling araw palang umalis na yung asawa. Dun naman tyumempo yung suspect. Pinagsasaksak daw, patay yung nanay at yung anak naman 50-50. May media din daw GMA7 naman. Grabe.
At ngayon at this point of time, ang ingay pa rin dito sa likod, may birthday naman. Kantahan sila at sayawan. Parang walang mga nangyayari. All in all magulo talaga sa city. Mabilis ang oras, at kailangan ng pag iingat. Ingat lang po tayong lahat.
Once again, ingat lang po tayo!
No comments:
Post a Comment